Friday, April 30, 2010

SAKSAKAN NG POGI CHECK


Ano ang isinasagot ng isang SAKSAKAN NG POGI sa tanong na ito?

Ito ba?
"Heto... Pogi pa rin..."

o ito?
"Naguguluhan nga ako e, kasi sabi nila pogi pa rin daw ako..."

I. M. WEASEL: POGI


POGI dahil:
-ayon sa Wikipedia, isa siyang POGING weasel
-extremely gifted, talentado, generous, matalino at hinahangaan ng isang karumaldumal na pangit na nagngangalang I.R. BABBOON

Wednesday, April 28, 2010

INABUSO MOMENTS

PORMANG SAKSAKAN NG POGI: PAG MAKATI ANG LIKOD


Pag hindi abot ng kamay, ikiskis ang likod sa pader in a SAKSAKAN NG POGI way.

Tuesday, April 27, 2010

Monday, April 26, 2010

SHADES: ANG TAMANG PAGGAMIT


Ginagamit ang shades para maprotektahan ang mga mata mula sa silaw ng mga pangit at kung minsan, ginagamit din ito para itago ang mukha mula sa publiko.

Kung gamit mo ang shades para sa porma, malamang, feeling pogi ka.

Sunday, April 25, 2010

ITANONG MO KAY POGI 7


Q: Anong nangyayari kapag nakaharap ka sa salamin?

A: Wala kaming salamin kasi di na namin kailangan ito. Ngunit kung sakaling nakatayo ako at biglang may tumambad na salamin sa harap ko, tatakpan ko iyon gamit ng aking kapogian.

Saturday, April 24, 2010

ANDAL AMPATUAN JR.: ALMOST POGI


-kamukha siya ni Ebe Dancel
-hindi umaamin
-laging napapaligiran ng mga hot tempered
-ayaw tabihan ni Noynoy

ngunit di siya katulad ni Jason Ivler na isang hard to get.

PORMANG SAKSAKAN NG POGI: PAG BUMUBUNOT NG BUHOK SA ILONG


Tao rin ang SAKSAKAN NG POGI kaya di rin nila mapigilan ang lumuha pagnabunot ang buhok sa kanilang ilong.

Tuesday, April 20, 2010

USED AND ABUSED


Ang SAKSAKAN NG POGI ay di lang minamaltrato kundi inaabuso rin at pinagsasamantalahan ng mga hotbabes!

Monday, April 19, 2010

ITANONG MO KAY POGI 6


Q:Ano ang nangyayari kapag may nasasalubong kang POGI?

A:Parang nakatingin lang ako sa salamin o kung minsan, parang nakakita ako ng isang kakambal.

PORMANG SAKSAKAN NG POGI: PAGNATUTULOG


Tinatakpan ng isang SAKSAKAN NG POGI ang kanyang mukha pag natutulog upang maitago ang kanyang kapogian at syempre upang maiwasan ang pangaabuso sa kanya ng mga hotbabes habang siya ay tulog.

Sunday, April 11, 2010

Saturday, April 10, 2010

"MACHO MAN" RANDY SAVAGE : FEELING POGI


Si Macho Man ay Feeling Pogi!
Hindi siya humble!
Umibig siya kay Miss Elizabeth!

Friday, April 9, 2010

DIMPLES : SECRET WEAPON NG MGA POGI


Maliwanag na kapag ngumingiti ang isang SAKSAKAN NG POGI, lumalabas ang kanyang KAPOGIAN.

Wednesday, April 7, 2010

JAMES BOND: POGI


Si James Bond ay pogi dahil:
-Di niya matagpuan ang tunay na pag-ibig
-Masyado siyang misteryoso, papalit-palit ng mukha
-Marami siyang itinatagong sandata

Tuesday, April 6, 2010

JONATHAN "JOHNNY B." BRAVO: POGI


Although gumagamit siya ng cosmetics para sa kanyang buhok, si Johnny Bravo ay considered na POGI dahil:
-Kaboses niya si Elvis na isang POGI.
-Lagi siyang minamaltrato ng mga hotbabe.
-Di niya matagpuan ang tunay na pag-ibig.
-Dati na siyang Macho.
-Itinatago niya ang kanyang tunay na mukha gamit ang kanyang shades na nakakadagdag ng kanyang pagkamisteryoso.

GYM WORKOUT: PARA LAMANG SA MGA ARTIFICIAL POGI


Di na kailangan ng SAKSAKAN NG POGI ang mag-gym dahil dati na siyang MACHO.

Monday, April 5, 2010

MALTREATMENT


Kawawa ang mga SAKSAKAN NG POGI lalong lalo na kung di nila maibigay ang lahat ng kanilang KAPOGIAN sa isang hot babe...

Sunday, April 4, 2010

POGI QUOTES 3



"Deodorants are for metrosexuals..."
-Mark Morton (Lamb of God)

ELVIS PRIESLEY: POGI


Walang duda, si Elvis ay pogi dahil:
-Tinitilian siya ng mga hotbabes
-Misteryoso ang kanyang pagkamatay
-Di niya natagpuan ang tunay na pagibig
-Sa dami ng kanyang impersonators, napatunayan niya na ginagaya ang pananamit at porma ng isang pogi.

COSMETICS


Ang mga cosmetic ay isa sa mga main gadgets ng mga ARTIFICIAL POGI lalong lalo na ang mga METROSEXUAL at dahil dito, masasabi natin na kung sinoman ang gumagamit ng cosmetic ay mga ARTIFICIAL POGI sapagkat ang SAKSAKAN NG POGI,


di na kailangan pang magpapogi...

Saturday, April 3, 2010

EKSENA SA TUWING MAY DUMADAAN NA SAKSAKAN NG POGI


Ang SAKSAKAN NG POGI ay TINITILIAN...
PINAG-AAGAWAN...
PINAG-AAWAYAN...

MISTERYOSO


Dahil bihira lang silang makita, ang mga SAKSAKAN NG POGI ay MISTERYOSO...

PORMANG SAKSAKAN NG POGI: PAG NAPUWING



Napuwing lang yan...